Ads 468x60px

Labels

Friday, September 14, 2012

LOVE BIRDS: Chapter Eight


CHAPTER EIGHT: Get To Know
by:  Cha Ching Kuyet (Charisse Custodio)
Sa loob ng Van, mahahalata mo na lahat sila ay galak na galak sa outing, at unti unti na silang nagkakasundo
Si Dani, kausap niya si Albert sa harap. Topic, cars, computer games, basketball, CHICKS!! at kung ano-ano pang usapan panlalaki,

Si Grace naman, naaliw sa magic trick ng kambal na s John at Jolo. Hindi nga lang alam ni Grace na nauuto na siya.
Si Nina naman, nagagalak sa mga jokes ni Nico, kahit korny, natatawa siya, kasi kinikilig siya.
Yaah! I know my girls flaws. Sometimes, you just can't simply predict them. Whoopz! girl din pala ko. But hey! Its true!

Ako naman eto, nagmumuni muni lang ako sa tabi ng bintana, tamang kinig lang ng radio. Habang ang mga friends ko hindi ako pinapansin.
Grabe! outcast! hmpf!

Halos 1hr, and 30mins ang byahe bago makarating ng Laguna, and yes, na-enjoy ko ang byahe kahit tahimik lang ako at iniisip ko na rin kung anong mangyayari sa outing na to.
"Okay nandito na tayo sa Rest house" Sabi ni Albert
Aw, nalulngkot ako dun

Pagtingin ko sa labas ng bintana, tila ako ay nagulat dahil ang lagi at ang ganda ng rest house.
Paniguradong mahal to.
"Maalala ko nga pala, Ilang araw tayo dito?" I asked.
"5 days lang naman" Dani Answered.
"5 days?!!" I asked.
I'm in shocked! Paano ko sasabihin kay Papa to?
While everyone is calm, I'm in a Hysterical moment inside and out of me.
"Teka, paano pala tayo mag babayad sa rent?" Tanong ni Nina.
"Hindi tayo magbabayad" Nico answered.
"What? Why?" Grace asked.
And the twin said...
"Albert's family owns it."
yipidoda (-.-)

"Ooh - eh paano ang mga foods?" Dani asked.
"Don't Worry, Everything is ready inside, may house care taker naman kaya pwede kami mag request for the groceries and cleaning sa bahay." Albert Said.
Pag ka park ng Van, lahat sila nagmadaling lumabas at kinuha nila lahat ng gamit nila. 
Parang Ayokong bumaba ng van, pagkatapos kong marinig lahat ng iyon. 
Hindi ko makeri! gosh!

"Elen tara na!" sabay hila sakin ni Grace.
Why do I have to do this?
"Welcome po" Bati ng isang House care taker habang sinasara ang malaking gate.
Pag dating namin sa rest house, agad mong makikita ang Pool and yes, may slide. 
"Ganda noh?" Nina said.
"Tara pasok kayo sa loob" Albert Invited.
Pag pasok sa loob, makikita mo agad ung Sala and rooms, isang floor lang siya kaya hindi gaanong hassle. Bandang looban pa ang kusina, and boundary ang dining.
"Okay so, there is three bedrooms as you can see. one master's bedroom and two guest rooms. So the girls can take the master's bedroom since mukhang kasya naman sila sa queen size bed at may extra bed naman, and kaming boys dun sa isang quest room dahil pang apatan naman un. okay? so let's have fun!" Albert announced. 
Agad agad kaming pumasok sa aming mga kwarto. Si Nina at Grace agad naman nagpalit ng swimming outfits pagkapasok namin sa kwarto. Ako naman, agad kong tinwagan si Papa at sabihin ang bad news.
I wish he won't get mad.

"Hello, Pa?"
"Oh, anak bakit? nandiyan na ba kayo sa Laguna?"
"Opo pa, yun nga po, sasabihin ko po na 5 days po kami rito, sorry po kung hindi ko po agad nasabi, kanina ko lang din po nalaman eh."
I feel guilty...

"Okay lang yun anak, basta alam mo naman ang tama at mali, eh nasabi mo na ba to sa kuya mo? alam mo naman kung paano magreact yun, at paano magalit yung kuya mo."
"Hindi pa po eh, yun na nga eh, natatakot po ko kay kuya. pero sasabhin ko din po after this conversation."
"Sige anak, ingat."
"Opo Pa, salamat po, I love you bye"
Hayst, Grabe, paniguradong mag hi-hysterical tong kuya ko.

"Hello kuya?"
"ELEN! ANONG YUNG NALAMAN KO KAY PAPA NA 5 DAYS KA DIYAN?! AYOS AH! 3 DAYS LANG KAMI TAPOS KAYO 5? YAMAN NIYO!"
BOOM! naghysterical na!

"Well sorry ka kuya, yung venue namin libre, kasi pag-aari ng friend ko yung rest house na ito."
Wait, did I just brag?

"La ko pake, magiingat ka na lang pangit,  geh"
"k po."
Whew. nakahinga din ng maluwag.

Pag tingin ko sa likod ko, wala na si Nina at Grace. 
Wow ang laki pala ng kwarto na ito.

Napahanga ako sa kwarto na ipinaubaya sa amin ni Albert. At dahil dun? nag tour ako sa kwarto.
Wow, may sariling Banyo pa. XD

After taking a tour sa aming wonderful room, agad akong nagpalit ng damit na pang swimming. yes! eto ung binili ko kagabi.
Green two Piece, but not BIKINI! yuck ayoko ng ganoon.
its just a backless style top and a mini short style bottom.
But then again, nahiya ako sa soot ko so pinatungan ko ng T-Shirt.
Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Albert sa Kusina naghahanda ng lunch namin, nilapitan ko siya para tulungan.
"Hello." Bati ko.
Damn! ang bait ko ata sa kanya XD
"Hi." sabi ni Albert.
"Tulungan na kita diyan" alok ko
Tinignan ko ang nasa ibabaw ng counter kung ano ang mga hinanda niya.
Napansin ko may Pork Chop, at Hot dog na nakahanda. Tinulungan ko siyang maggawa ng marinate sauce para sa Pork Chop at tapusin mag lagay ng Hot Dog sa Stick. 
After mag ready ng foods, lumabas si Albert at nagstart na magbaga ng uling.
Wow, marunong pala siya mag ganun.

"Elen, paki tulungan naman ako ilabas mga iihawin." Favour niya,
"Okay"
Pagkadala ko ng mga pagkain sa labas napansin ko ang iba namin mga kasama nagrerelax lang.
Ang babait ng mga kaibigan ko talaga.

"Game Let's Cook" Sabi ni Albert.
Nagsimula ng magihaw ni Albert. Habang nagiihaw niya ako ang taga alalay ng mga gamit sa kanya, at habang ginagawa ko iyon, pinagmamasdan ko siyang magihaw. 
Marunong din pala siya sa pagluluto.
"Alam mo ba na hilig kong magluto? I know it's Weird, pero hobby ko na siya. Nasa States pa kami ni papa at ate, eto lagi ang hangiut namin tuwing weekends.at pag weekdays, Si papa nagluluto palagi, minsan tinutulunga ko siya" Kwento ni Albert
Wow, close pala siya sa parents niya.
"Ah.. nice, Eh ang Mom mo?"
Natahimik lang siya at napangiti. halatang fake ang smile niya. Patay! mali ata ako ng tanong.
"Ay Sorry! - Patay!" I Apologized.
"Hindi okay lang." he said
"Patay na Mama ko nung isinilang ako, Grudge siya yes, pero I accept it naman. and my dad treats me well, like he is both my mom and dad." He Said.
"oh, I'm sorry, hindi ko alam." I Apologized again.
"Okay lang yun ano ka ba." he said
"Alam mo , okay ka din pala medyo nayayabangan ako sayo, pero babawiin ko na, you're alright for a friend." I said.
Kinuha ko ung thing at nagsimulang mag Ihaw, habang siya naman nag aayos ng lamesa near sa Ihawan.
While Grilling, bigla ako natalsikan ng mantika ng Pork Chop malapit sa mata.
"Aray! Damn!"
"Oy! Elen! Okay ka lang?" 
Nagpanic si Albert at agad na hinawakan ang mukha ko.

Author's facebook: http://www.facebook.com/ctomoshi