Composition & Movie editor: my friend from Lyceum of the Philippines Laguna, Ms. Sarene Cas
"Love is like a traffic light, there are three colors which becomes a guide for us to know when to stop, to let go, and to take action."
STOP
May mga pagkakataong mararamdaman mo ang sakit na dulot ng pagmamahal mo. Masakit isping may mga taong hindi kayang magpahalaga sa mga taong nagmamahal sa kanila. Kapag patuloy mong minamahal ang taong yun mas lalo kang nasasaktan dahil...natatakot kang tanggapin ang maaari pang mangyari.Na ang taong buong puso mong minahal ay bulag sa pagmamahal mo. Hindi porke't mahal mo ang taong yun siya na talaga ang para sayo
LETTING GO
May mga bagay sa mundong hindi nakatakda sa atin. Maaring ang mga bagay na ninanais natin na maging sa atin sana ay iyon pang hindi kailanman magiging atin. Kailangan mong matutong magparaya "let go" upang maka get over tayo sa sakit ng nakaraan. Masakit? oo..para sa katulad mong nagmamahal. May mga taong darating sa buhay natin na siyang muling magbabangon sa atin sa kabila ng pait na nakalipas. Huwag nating isarado ang puso natin dahil sa tayo'y nagparaya..nagmahal...o nasaktan =( kundi may taong handang pumasok muli.
TAKE ACTION
Natatakot tayong masaktan...Natatakot tayong harapin ang pwedeng mangyari...Natatakot tayong magmahal muli...kaya nga nauso ang salitang "courage" yan ang kailangan natin to "take action". Kung ang traffic light ay may yellow light para sa caution sign. Sa love ganun din, kung alam nating masasaktan lang tayo at di maaring pumapel...Huwag na natin pahirapan pa ng husto ang sarili natin
STOP
LET GO
TAKE ACTION
"Traffic Light"