Ads 468x60px

Labels

Friday, September 14, 2012

LOVE BIRDS: Chapter Three


CHAPTER THREE: New Beginning
by:  Cha Ching Kuyet (Charisse Custodio)
After 10 years..
"Congratulations to all graduates of batch 2006"
At lahat nag palakpakan sa tuwa.
"I now pronounce you all GRADUATES of batch 2005-2006"

at lahat ng studyante hinagis ang kanilang graduation cap sa ere.
Yes that's right! Graduate na ko ng High school.
Grabe ang bilis ng panahon talaga parang nung nakaraan lang bata ako na nag lalaro sa labas, ngaun...
Kasalukuyan ako ay nasa aking Graduation Ceremony. eto na ata ang pinaka masaya yet malungkot na happenings sa buhay ko, masaya kasi nakaraos din ako sa 4 na taon sa High school, malungkot kasi mapapawalay na ko sa aking mga munting kaibigan how sad talaga.
"4th honorable mentioned, Guantero, Elen Mari C." 
Pag katawag sa Pangalan ko tumayo ako sa Kinauupuan ko, umakyat sa stage at tinanggap ko aking Diploma.
Yes! the taste of success! nahawakan rin kita! syempre my medalya pa! 
After ng Graduation Ceremony, Umuwi na kami sa bahay at nag handa. syempre si mama pa nde mag papatalo yun sa handaan, dapat madaming pagkain at kung ano ano pa.
Syempre si kuya pasikat oo nga pala hindi ko pala napakilala si kuya ng matino.
"Elric James C. Guantero" yan ang pangalan ng kuya ko.
Pasikat, mayabang, ma-chicks! san ka pa.. well gwapo naman si kuya kaya ganun. 
"hoi panget!" sabay hagis ng isang malaking box sakin ni kuya
"congratz! ^_^v galingan mo sa college ah" sabay balik sa mga chicks niya. ay! bisita pala 
napaka gulo ng bahay maingay daig pa fiesta. may bisita si mama, si kuya din may bisita. Si Papa, hmm.. Ayun laging nasa Kusina pag may handaan laging pumupuslit ng pagkain kasama mga katrabaho niya. ako? hmm walang bisita kung sino bisita nila sila rin bisita ko.
Umakyat ako sa aking silid bitbit ang mga regalo nila. hm ang dami kahit karamihan maliliit lang. Pag pasok ko sa kwarto Ibinaba ko ang mga regalo ko sa kama, umupo ako sa kama, binuksan ko ang aking bintana at dumungaw, Una kong pinansin ay ang bahay katapat ng aming bahay, Tama, bahay nila Albert. 
Binuksan ko ang aking drawer katabi ng aking kama at kinuha ko ang maliit na box. Kinuha ko ang Kwintas na bigay ni Albert pati ang picture na nung bata pa kami. Sinulatan ko pa 
"ano na kaya itsura mo? Graduate ka na din ba? Naalala mo pa kaya ako? tss. Hindi na siguro" sabi ko sarili ko.
Ibinalik ko lahat ang kwintas at picture sa drawer ko at agad binuksan mga regalo ko.
Nakatangap ako ng 3 small gifts and 3 bigs gifts. syempre ung malalaki galing kanila Mama, Papa at Kuya.
Inuna ko ung maliliit. galing sa isa kong Friend na si Nina Makisig. 
"wow ang cute, Coin purse na may strawberry sa gitna, tawagan ko na lang siya mamaya.''
sinunod ko ung isang Small gift galing sa isa ko rin matalik na kaibigan na si Grace Uy. isang clip na strawberry
suutin ko na lang to pag nagkita kami
At last small gift from my Super Friend Dani Cruz. Nagulat ako sa binigay niya kasi napaka ganda at unexpected na bibigyan niya ako ng ganito. Isang bracelet na may Padlock na heart shape.
adik ka talaga Dani
Sinunod ko naman ang mga regalo nila mama..
nakatanggap ako ng bagong Laptop mula kay Papa, Camera naman mula kay Mama, at Wow! Cellphone mula kay kuya!?
hahaha wow ah.
"SALAMAT SA MGA REGALO!" sigaw ko sa baba.
agad kong pinag laruan mga regalo nila. agad kong sinalpak ang bagong number ko sa phone na binigay ni kuya at nilagyan ng mga contacts na alam ko. inopen ko agad un laptop na bingay ni papa at nag lagay ng songs. at pinuno ng pictures ang camera na binigay ni mama.
kinuhanan ko ung labas ng bahay nila albert mula sa kwarto, Habang kinukuhaan ko, napansin ko na may binatang lalaki sa tapat ng bahay nila. ng biglang may lumabas na matandang lalaki sa kotse pati na rin Magandang Babae.
sino kaya mga to? 
at Sumunod na Moving truck. agad - agad na naglalabas ng gamit sa truck at pinapasok sa Bahay nila Albert. 
Ay, nabenta na tss. mkakalungkot naman. mukhang hindi na nga babalik ang best friend ko.
Habang patuloy kong kinukuhaan ang bahay, biglang lumingon ang binatilyo patungo sa akin. nabigla ako at hindi ko namalayan na ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. hindi na akong muling lumingon sa labas dahil alam kong aasahan niya na titingin muli ako sa labas.
---------
Author's facebook: http://www.facebook.com/ctomoshi