Ads 468x60px

Labels

Friday, September 14, 2012

PASUKOB AH: A Rainy Season Story


Pasukob Ah
A Rainy Season Story
By: Charisse Vaughan Custodio

JUNE! Start ng classes at start na ng rainy Season. kailangan may dalang payong palagi.
Haist, pabigat nanaman sa bag tsk. 
Janina nga pala, 17 yrs old at second year student sa PATTS College Of Aeronautics BSHRM student.

Ako ay simple lamang mabait at palakaibigan na tao.
Haist,  4th week palang ng pasukan Bagyo na agad. pero syempre kolehiya na dapat masanay na sa hindi pg suspend or late suspension sa school.

Wednesday Morning,
Gumising ako ng maaga at napansin ko na malakas ang ulan. lumabas ako ng Kwarto at nakinig ng news.
"Breking news, Para sa mga nagtatanong kung may pasok, No classes NCR Region for Signal No. 2 all Pre school, Elementary at HighSchool."
Tss... As always, kawawa naman ako. Ay! kaming mga kolehiya pala XD
Pag karinig ko ng news na agad akong nag ready para sa school,
Pag katapos kong mag ayos, nanghingi na ko kay mama ng allowance at umalis na ng bahay, pagkalabas ko mild rain lang ang sumalubong sakin.
Hhmm.. mukhang hindi masususpend classes namin aah.
Binuksan ko ang payong ko at naglakad na palabas ng Village, Dumeretso ako sa may terminal ng tricycle at sumakay na. bayad ko ay 7 lang syempre student fee. 
Ang labas ng tricycle ay ang jeep terminal na papuntang Baclaran. pero, ako tatawid pa sa Tulay ng Sucat papunta sa boundary Sucat at Paranaque para makasakay ng FX to Baclaran, sa ganitong panahon ayoko maputikan ang uniform ko.
Pagsakay ko ng FX nag bayad ako ng 15 pesos for the fee from sucat to Patts.
My everyday routine, soundtrip with my CP and feel the music. corny ko no?
Minsan nde ko na mapapansin na nasa school na ko dahil sa pagdama ng music.
May isang sumakay ng FX na taga patts din.
OMG! si crush pala yun. katabi ko si crush!
JEDZEL! haist coincidence ba ito? o faith? tss.. ilusyonada! haha
Pinatay ko ung music ko at nilubos ko ang moment na mag katabi kami, 15 minutes normally ang byahe but for today's situation 30 mins ang byahe 
Habang nilulubos ko ang oras na magkatabi kami. hindi ko namalayan na nasa school na kami.
As he says the word "PARA" i said the word "ay!"
Tumakbo ako papunta sa 7-11 dahil sa malakas na ulan, napansin ko si Jedzel na nagpapagpag ng katawan niya dahil na medyo nabasa siya.
"Shit naiwan ko payong ko sa FX" reklamo niya.
Kinuha niya phone niya at tumawag siya sa tropa niya, ako nag double check ng gamit at baka may kailangan bilhin bago pumasok.

"Hello pre, nasan ka na" sabi ni Jedzel.
Ako hindi ko naman sinasadya na makinig.

"Ah, pasundo naman sa 7-11, naiwan ko payong ko sa FX badtrip ang lakas ng ulan... Ano?! Anjan na si Sir? tsk sige sige salamat" at tinago na niya phone niya sa bulsa na.

"Ano ba yan! Badtrip" reklamo niya ulit.

Binuksan ko na payong ko at naglakad papuntang School, habang naglalakad ako nagulat ako at may sumukob sa payong ko. pag lingon ko si Jedzel na pala yun.

"Pasukob ah, hehe mababasa kasi gamit ko e sayang naman ung homeworks" sabi niya.

OMG! JEDZEL.

"Ah Eh.. okay'"

Gusto kong tumawa, sumigaw sa kilig pero hindi pwede baka mahalata niya eh so pinipigilan ko kilig ko.
Sabay kami pumunta ng school, pero tahimik lang kami, syempre hindi naman kami close, bawal Feeling Close,
Nakarating na kami sa school at bigla niyang tinakip balikat ko at nagsabi ng
"byebye salamat"

Wow pogi niya talaga. pagtigin ko ng oras sa gate nagulat ako at 10 minutes late na pala ko so nagmadali na ako papunta sa classroom. pag dating ko dun wala pa ang prof.
Yes! It's a lucky day for me.
Pero pag pasok ko, nasa likod na pala ang Prof. ko
Half luck.
Hindi ko magawang makinig ng maaus sa klase, dahil kinikilig pa din ako sa nangyare, tumingin ako sa bintana at nagmuni muni, napatingin ako sa kabilang building at napansin ko mga technical students nag sisiyahan. Suspended ba??Ano bayan! sayang ang araw sa school at sayang effort. haist.

"Class suspended ata," sabi ko sa classmate ko.
 "Paano mo nasabi?" tanong niya
"Tignan mo ung technical boys" sabi ko

Sabay kaming tumingin sa technical building at napansin namin na nagaayos na sila ng gamit nila at handa ng umuwi, tumingin kami sa Prof. namin at kinausap niya yung guard.

"Suspended ba?" Sabi ng prof namin sa guard.

"Opo ma'am" sabi ng guard.

Naghiyawan ang mga classmate ko at agad agad na nag ayos. tumingin ako sa kabila at nakita kong nag aannounce na ung prof about the suspension. same goes to my Prof.
Tumingin ulit ako sa kabilang building at napansin ko Jedzel na nandoon. gosh ngayon ko lang nalaman na magkatapat lang pala room namin. tumayo na ko at nag aus ng gamit and i'm ready to leave the room lumingon ulit ako at nakita ko Jedzel nakatingin dito. at kumaway sakin. ako naman kumaway din ng pahinhin
Lumabas ako agad ng room at hinabol ko mga classmates ko.

"Kain tayo sa 7-11" sabi ng classmate kong isa.
"Sure'' sabi ko

Puro daldal ang mga classmates ko, ako naman si kinig lang minsan kasi hindi ako makarelate sa kanila. nakarating na kami sa gate ng patts at daldal pa din ang mga classmate ko kung hindi daldal, harot naman.
Binuksan ko na ang payong ko at nilagay ang headset sa tenga ko at nakinig ng music, nang simula nakong maglakad, may biglang sumukob ulit sa payong pag tingin ko Si Jedzel ulit un. nagsalita siya at hindi ko narinig dahil sa lakas ng sounds ko.

"Ano?" tanong ko sa kanya.

Tinanggal niya ung isang headset at tinapat niya ang kanyang bibig sa tenga ko.

"Sabi ko pasukob ulit"
"Aah.. okay"

Naglakad na ulit kami papuntang 7-11 this time may napag usapan na.

"HRM ka diba? Edi marunong ka magluto" sabi niya
"Hhhmmm.. sakto lang"
"Sakto lang? edi prito lang alam mo?"

Ang bagal ng lakad namin dahil siguro may pinag uusapan. yes! super LIKE this moment.

"Hindi naman, may alam akong luto na hindi prito, and sakto lang kasi minsan nagbabase ako sa libro."
"Aaaaaaaahhhh.'' ngumiti siya at napakamot siya sa ulo. tumingin siya sakin at natawa siya.
Napahawak naman ako sa mukha ko. may dumi ba? kinuha ko salamin ko.

"Wala naman" shit nasabi ko pala un ng malakas.
"Wala kang dumi sa mukha" sabay kuha ng payong. 
"Ako na magdadala nito be a gentleman naman diba?" sabi niya
"Alam mo ba kung bakit ako natawa?" sabi niya sakin
"Oh bakit?" tanong ko sa kanya
"Kasi, ang cute mo!"
''Ano?"
"Ha?"
"Ano sabi mo?" sabay kurot sa braso niya. whoopz! Feeling Close. wrong move!
"Sorry!''
''Okay lang un. natawa ako kasi hindi ko alam pangalan mo."
"Aahhhh.. o ayan basahin mo ah." Inabot ko ang I.D ko sa kanya
"Janina, aaahh sabi na eh"
"Ano?'' 
"Ha?" tsk puro ka palusot.
"Jedzel nga pala"

Alam ko.

Inabot niya kamay niya pala makipag kamayan. agad kong tinangap ang alok niya

"Naks! jedzel! dumadamoves" hiyaw ng tropa niya. nagulat ako dahil nasa likod lang pala mga tropa niya. tumingin si jedzel sa mga tropa niya at ngumiti.
"Geh pre! Sa may hynix lang kami." paalala ng tropa niya.
"Geh! Sunod ako." saglit niya
"Dota?" tanong ko
"Oo.'' sagot niya
"Aaah. Mga lalaki nga naman"

Nakarating na kami sa hynix at ibinalik na niya ung payong ko.

"Hehe, wag ka mag alala pag naging girlfriend kita bihira nalang to"
"Ano?"
"Bye!"
"Hoy Jedzel"

Agad na pumasok na siya sa Hynix.

Tsss.. mga banat niya hindi ko alam kung serseryosohin ko hindi eh.

Dumeretso ako sa 7-11 at napansin ko na wala doon ang mga classmates ko. so umuwi nalang ako.
Kinabukasan maaraw na. yes! hindi na ko magdadala ng payong. bumangon ako at ginawa ko ung everyday routine ko.
Pagdating ko sa sakayan ng FX agad kong hinanap si Jedzel hhmm.. wala ata siya baka nag jeep. or maybe iba ang schedule niya ngayon. sumakay na ko ng FX at agad na umandar ung FX.
Pagdating ko sa school dere-deretso ang pag lalakad ko sa room. hhmm.. no luck wala akong makitang Jedzel.
Pag dating ko sa room umupo ako sa seat ko.

"Uy! Sino yung guy na kasama mo kahapon.'' tanong ng classmate ko
"diba un ung crush mo? si Jedzel?" singit ng isa
"uuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuuyyyy" kanchaw ng lahat
"ewan ko nga sa inyo tigilan niyo nga ko mga echusera" sagot ko sa kanila.

Sunod-sunod ang klase sa loob ng 4 na oras. at nung natapos na ang klase hindi ko mapigilan ang excite ko umuwi at manuod ng TV.
Pag labas ko ng room biglang umulan ng malakas. Ay malas naman kung kelan hindi ko dinala ung payong ko dun pa umulan. ang araw araw naman kanina.
lumabas ako ng school ng disappointed dahil sa malas na araw ngayon.
pag kalabas ko ng gate dere-deretso pa din ako sa pag lalakad hangang sa makarating ako sa silong sa kabilang street. ang lakas ng ulan hindi ko kayang makipag sabayan.
habang hinihintay kong humina ang ulan may isang payong na sumilong sakin. pag tingin ko si Jedzel.

I change my mind. today is my lucky day.

"Ako naman tutulong sayo.'' sabi niya
"Salamat ha.''
"Bakit mo kasi iniwan payong mo?''
"Akala ko kasi hindi uulan eh"

At naglakad na kami papuntang 7-11

"Ikaw talaga dapat laging handa at maging alert" sermon niya.
"Tulad ba yan ng pagiging aware mo sa pag iwan ng payong mo sa FX" biro ko
"Yun ay isang aksidente. at katabi kasi kita kaya hindi ko namalayan.''
"Ano?''
"Ha?"
"Kung babanat ka siguraduhin mong kikiligin ako" asar ko sa kanya.

Ngumiti nalang siya sa pagsabi ko nun. At sa nakarating na kami sa hynix.

"Hynix na, baka may laro ka pa ako una na ko, mahina naman ang ulan, so hindi mo kailangan na itawid ako." sabi ko sa kanya. at tumalikod na ko sa kanya.
"Janina pwede ba kong manligaw?"

Lumingon ako at lumapit ako sa kanya at tinitigan ko mga mata niya.

"Janina, hingin ko number mo ah." iniba niya ang usapan at kinuha niya ang CP niya.
"Jedzel, ulitin mo nga sinabi mo."
"Kunin ko number mo'' at ngumiti siya
"Hindi yan ung isa"
"Tsk"

Hinawakan niya ang noo nya at kinuskos ang mata.

"Argh, janina! haist teka bubwelo lng ako." 
"Ako ba pinagtitripan mo? Jedzel kung mang ti-trip ka lang sa ibang babae na lang. Thank you for your concern."

Tumalikod ako at nag madaling umalis naluha ako ewan ko kung baket. dahil siguro na napag tripan ako.
Hinabol ako ni jedzel at hinila niya pabalik sa kanya at agad niya kong niyakap. hiwakan niya mukha at nagulat sa mga luha ko. pinunasan niya ang aking mga luha.

"Gusto ko hingin number mo kung ayos lang kasi, gusto kita makatext at matawagan araw-araw at gabi-gabi."
"Yun lang? Tsk, Jedzel tumigil ka na nga." at inialis mga kamay niya sa mukha ko pero ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

Lumuhod si Jedzel at ako ay tila nagulat sa ginawa niya. OMG jedzel what are you doing?

"Jedzel?"
"Gusto kita makilala, dahil, gusto kita Janina"

Tumayo si jedzel, at tumitig ng malalim sa aking mga mata.

"Janina, pwede ba kitang ligawan?"

Tila nagulat ako sa mga sinabi niya. tumalikod ako mula sa kanya para hindi niya makita na kinikilig ako.
Nilapitan niya ko at tinakip ang likod ko.

"Janina, ayos lang kung ayaw mo."
"Jedzel" sabay harap sa kanya
"Pwede mo kong ligawan" kahit wag na akin ka na!
"talaga? YES!!" halatang natuwa si jedzel sa Sagot ko.

grabe hindi ko aakalain ang crush ko manliligaw sa akin.
Almost six months na nanligaw si Jedzel, nakakatuwa dahil super effort siya.
at ang finale ng panliligaw niya, white roses with matching ring and love letter. effort no?
and now, we are happy and contented.

And that is my rainy season story.

Author's facebook: http://www.facebook.com/ctomoshi