Ads 468x60px

Labels

Friday, September 14, 2012

LOVE BIRDS: Chapter Two


CHAPTER TWO: The First Farewell
by:  Cha Ching Kuyet (Charisse Custodio)
Kibukasan ng hapon agad akong nag paalam kanila mama.. yes excited ako makalaro ang bago kong kaibigan na si Albert. talagang kinulit ko si mama na payagan ako, eto naman kuya ko inasar pa ko.

"sows! lalabas ka nanaman! ang itim mo na oh! NEGERS!"
"Inggit ka lang kasi may new friend ako!"
"NEGERS!"
"MA si kuya oh!'' 
hai nako! mga kuya talaga sarap sipain!
"tumigil na kayo! sige na Elen pumunta ka na sa new friend mo. uwi agad ha.. san ba nakatira yang new friend mo?"
saan nga ba?
lumabas na lang ako ng bahay at nag bago ng plano until nkita ko yaya ni albert. nilapitan ko siya at agad kong tinanong kung nasan si albert. tinuro niya ang malaking bahay. pinapasok niya ako sa bahay nila at hinatid sa kwarto niya. grabe ang laki ng house nila, or maliit lang ako nung time na yun. XD
pag kadating sa kwarto ni albert ang una kong napansin isang relaxing blue wallpaper, at isang batang lalake na nanunuod ng TV si albert.
"iho may bisita ka" sabi ni yaya
tumingin agad si albert at tumakbo papunta sakin, halatang galak siya na makita ako at agad na hila patungo sa toys niya. agad na nag laro kami ng toys niya at kung ano ano ang aming inimagine. inimagine namin na nasa gera kami at kami ang prince and princess ng isang magandang kaharian. hai nako bata nga naman. nag kwentuhan kami nang kung ano ano until na mabanggit niya sakin ang sakit niya. tinanong niya sakin kung masaya may kapatid at kung ano ano pa. until...
"alam mo ba birthday ko ngaun' June 15, 1991 ako pinanganak hehe.."
nagulat ako at napatigil sa laro, nag paalam ako kay Albert na uuwi ako at tumakbo pauwi. pag dating sa bahay dumresto ako sa kusina at nag hanap ng cupcake at maliit na kandila. agad akong bumalik sa bahay nila, at dumrestso sa kanyang silid, pero nakita ko na lang sa kanyang kama at nakahiga kasama si yaya. dahan dahan ko siyang nilapita sa edad na limang taon hindi ko alam ang nangyari pero nakangiti pa din ako.
"albert bangon ka, may cake ako para sayo, tara blow mo ung kandila kunwari at kakantahan kita ng happy birthday."
tumayo ng dahan dahan si albert at ako umupo sa tabi niya, si yaya kinuha ang cupcake sakin at sinindihan ang kandila at kinantahan namin ng happy birthday si albert. sumigla ang ngiti at umiyak. niyakap ako ni albert at sabay sinabi ay..
"thank you Elen ah.. eto ang pinaka magandang gift mo sakin."
agad bumangon si Albert at dumeretso siya sa kanyang Cabinet, nakita ko na may isang siyang brown box na kinuha. dinala niya to sa kanyang kama at binuksan. agad kong nkita ay isang box na punong puno ng pictures, isang poloroid camera at isang box na maliit na red.
Kinuha niya ang camera at binigay kay yaya at inutusan niya ito na kuhaan kami ng picture,
"yaya dalawang beses mo kami kuhaan ha?"
after kami kuhaan napatanong ako kung bakit dalawa ang picture. ang sabi nalang niya
"isa sayo"
kinuha niya ung pulang box na maliit at binuksan, nakita ko ay 2 necklace ang laman at ibon ang pendat, kinuha niya ung isa at isinuot sa akin. 
"ano to?!" tanong kong pagulat.
"sayo na yan, palatandaan yan ng friendship natin! ikaw na ang aking best friend.''
simula nun kami na ay ganap na bestfriend. araw araw na kong dumadalaw sa kanila at araw araw ko siyang pinapasaya. hangang sa sumapit ang pasukan, pero may time pa din ako sa kanya, ako papasok then dadalaw agad sa kany kahit naka uniform siya naman home study at mag hihintay sakin until after one month.
"aalis na kami sa Pilipinas, pupunta na kami ng states para dun daw ako ipagamot"
"iiwan mo na ko?"
"Sorry Elen, basta tandaan mo Best Friend tayo! iyang necklace na yan yan ang palatandaan ng friendship natin"
"Albert, Ayoko! wag mo ko iwan Albert" paiyak kong sinabi
Pinasakay na siya ng Daddy niya sa kotse at tila hindi ko man siya nayakap. gusto ko siyang pigilan at ayoko bitawan ang kanyang mga kamay pero sadyang kaming pinag hihiwalay. Si mama hinila ako at Si Albert naman ay hinila ng kanya Daddy. Masakit oo pero kailangan.
Pag kasakay niya ng kotse ay agad itong umalis. Ako pinilit ko makawala para habulin si albert pero... wala na kong maabutan umiiyak ako habang binabangit ang pangalan niya, nangangarap na marinig at umaasa na magkikita kami muli.

Author's facebook: http://www.facebook.com/ctomoshi